Magtatanghali ngayung araw ng maaresto ng mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency Romblon ang isang lalaking pinaghihinalaang pusher ng shabu sa bayan ng Magdiwang, Romblon.
Kinilala ang suspek na si Ramon Mayor, residente ng Barangay Poblacion, Magdiwang, Romblon.
Naaresto ang suspek sa anti illegal drug buy bust operation.
Nakuha sa suspek ang 3 unsealed sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu at P500 marked money.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Magdiwang Police Station at nakatakdanag kasuhan ng paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.