Isang twitter user ang nagbahagi ng maikling video sa twitter page ng Civil Aviation Authority of the Philippines na kung saan makikita ang pahirapang pag inspeksyon ng mga kawani ng Romblon Airport sa mga bagahe ng mga pasaherong dumadaan sa paliparan.
Ayon kay Marie Aguibiador, wala umanong X-Ray Security ang Civil Aviation Authority of the Philippines sa Romblon Airport.
Agad namang sinagot ng Civil Aviation Authority of the Philippines Operations and Rescue Coordination Center (CAAP Operations) ang post ni Aguibidaor, ayon sa kanila nakikipag-ugnayan na umano sila sa Airport Manager at sa Office for Transportation Security kaugnay sa nasabing kakulangan ng X-Ray Security.
{googleads right}
Wala pa namang pahayag ang Romblon Airport kaugnay rito.