Malubha ang lagay ng isang rider matapos na maaksidente pasado alas-kwatro ng hapon sa bahagi ng National Road sa Barangay Tugdan, Alcantara, Romblon.
Sa kwento ng mga nakasaksi, nag overtake umano sa kanang bahagi ng isang L300 na van ang motorsiklo na minamaneho ni Gerlo Galicha angkas ang isang June Mangcuyas ng bigla silang sumagi sa side mirror ng van at natumba.
Nagkawasak-wasak ang harapang bahagi ng motorsiklo matapos itong sumimplang kasama ang mga sakay.
Agad namang dinala sa ospital ang driver ng motorsiklo na si Galicha matapos magtamo ng bali sa katawan habang ang angkas naman nito ay nagtamo lamang ng galos sa katawan.
Patuloy pang iniimbestigahan ng Alcantara Municipal Police Station ang nasabing aksidente at kung mananagot ba ang driver ng L300 van.