Nasira ang unahang bahagi ng Motorbanca na M/B Consuelo na biyaheng Romblon, Romblon patungong San Agustin Port sa San Agustin, Romblon matapos na sumalpok ito sa pantalan habang papadaong ito bandang alas-2 ng hapon kanina.
Ayon sa kapitan ng bangka, hindi umano kumagat ang inihulog nilang angkla sa dagat kaya dumiretso sa sementong bahagi ng pantalan ang bangka at sumalpok ito.
Ligtas namang nakababa ng bangka ang aabot sa 50 pasaherong sakay nito matapos na maitali ng mga pahinante ng maayos ang bangka sa pantalan.
Iniimbestigahan na ng Coast Guard Romblon ang nasabing aksidente.