Pinangunahan ngayong araw ni Vice President Leni Robredo ang pagpapasinaya ng katatapos lang na proyekto ng Provincial Government ng Romblon na Riverside Boulevard na matatagpuan sa tabi ng Bungoy River sa Sitio Bungoy, Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon.
Kasama ng Bise Presidente na dumalo sa pagpapasinaya ng nasabing proyekto si Governor Eduardo Firmalo at Mayor Trina Fabic ng bayan ng Odiongan.
Ang pagpapasemento sa Riverside Boulevard ay maganda umanong development sa turismo ng Odiongan ayon kay Governor Firmalo. Kapag Sabado o Linggo umano ng umaga ay pwedeng mag jogging sa boulevard o di kaya ay mamasyal lang sa lugar.
Masaya naman si Bise Presidente Robredo sa mainit na pagtanggap sakanya ng mga Odionganon.
{googleads right}
Ayon sa Bise Presidente, napakaganda umano ng Romblon at napakalinis pagdating sa paligid. Hindi niya rin umano inakala na ang Romblon maliban sa marble ay may roon pang ibang maipagmamayabang sa iba; ito umano ay ang mga crops at ang karagatan.