Madulas dahil sa dami ng putik na dumadaloy mula sa bundok, ito ang kasalukuyang sitwasyon ng inaayos na Salingsing Road na sakop ng bayan ng Calatrava at San Agustin sa Tablas Island, Romblon.
Sa mga kuha ni Jhun Tan, makikita ang Salingsing Road na puno ng putik sanhi ng tuloy tuloy na pag-uulan sa lugar simula pa kaninang umaga.
Paalala ng awtoridad, mag-ingat ang mga motorista na dadaan sa lugar. Iwasan na rin muna ang mabilis na patakbo lalo na ng mga motorsiklo dahil maari kayong madulas sa nasabing mga daanan.
ADVERTISEMENT