Na-stranded nitong Lunes ang mahigit 300 pasahero ng barkong M/V Maria Xenia ng Montenegro Shipping Lines sa Poctoy Port sa Odiongan, Romblon matapos masiraan umano ang barko.
Aalis sana ang barko alas-5 hapon patungong Batangas ngunit pinababa ang mga pasaherong nakasakay rito dahil may sira umano ang makina ng barko.
Nagpalipas ng halos sampung oras ang mga pasahero ng nasabing barko hanggang sa dumating ang kapalit na barko mag-aalas 3 kahapon ng madaling araw.
Ang mga pasahero ay mga magbabakasyon sana ngayong Semana Santa.
Patuloy naman ang paghihigpit ng kapulisan sa Romblon at ng Philippine Coast Guard Romblon sa siguridad ng mga bakasyunistang dadagsa naman sa probinsya ngayong Mahal na Araw.