Arestado sa isinagawang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency MIMAROPA (PDEA-4B) sa pakikipagtulungan ng Provincial Intellegence Branch ng PNP sa Barangay Batiano, Odiongan, Romblon ang isa di umaoy tulak ng shabu sa nasabing bayan.
Kinilala ang suspek na si Fred Perez, 33 years old.
Nakuha ng mga operatiba sa suspek ang dalawang maliliit na sachet na pinaghihinalaang may lamang shabu na nakasilid pa sa wrapper ng candy. Nakuha rin sa suspek ang P500 na buy-bust money.
Sinubukan pa umanong tumakbo ng suspek na si Perez ngunit nahabol rin siya ng mga kapulisan.
Dati na umanong nakulong ang suspek na si Perez matapos makuhaan naman ng marijuana sa kanyang pamamahay ngunit nakalaya ito matapos ma dismiss ang kaso laban sa kanya.
Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang laban sa kanya. Aniya, hindi umano sakanya ang mga nakuhang shabu.
Nakakulong na ang suspek at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.