Tiklo sa kamay ng mga kapulisan at ng Philippine Drug Enforcement Agency – Romblon sa bayan ng Odiongan, Romblon ang isang babae na kabilang sa Top 10 High Value Target ng Provincial Police ng Romblon.
Kinilala ang suspek na si Desire Guro, residente ng Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon, 32 years old, walang trabaho.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, nabilhan umano ng shabu ng isang poseur-buyer ang suspek na si Guro kaninang tanghali, April 28 sa kanyang bahay sa Barangay Poctoy.
Nakuha sa suspek ang P500 marked money at dalawang sachet na may laman umanong shabu.
Itinanggi ng suspek na sakanya ang mga nakuhang shabu at pera.
Dinala na sa Odiongan Municipal Police Station ang suspek at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165.