Apat na kalalakihan sa bayan ng Odiongan, Romblon ang naaresto nitong Gabi ng April 8 matapos positibo umanong mabilhan ng shabu at makuhaan ng baril at bala ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency MIMAROPA (PDEA-4B), Odiongan PNP, PDEU Romblon, at Philippine Coastguard Intelligence Force sa Sitio Baybay ng Barangay Dapawan.
Kinilala ang mga naaresto na sina Joseph Ignacio alyas Japang, Jones Faigao, Benriv Fronda, at Al Fernandez, itinuturing na High Value Target ng awtoridad.
Nakuha sa kanila ang apat na sachet ng shabu, 38 caliber revolver, mga bala, drug paraphernalia, at buy bust money.
Hindi nagbigay ng pahayag ang mga nahuling suspek.
{googleads right}
Nakakulong na sila ngayon at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.



































