Inaasahang papangunahan ni Vice President Leni Robredo ang inagurasyon ng patapos ng proyekto ng Provincial Government na Riverside Boulevard sa Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon sa darating na April 8, Sabado.
Ayon kay Mayor Trina Firmalo-Fabic ng maging guest sa programang Mata ng Bayan sa Radyo Natin Odiongan 101.3 nitong Sabado, expected na umano nila na darating ang Bise Presidente ng Pilipinas.
Dagdag pa ng alkalde, bisita sana sa gabi ng Miss Odiongan ang Bise Presidente ngunit hindi umano kaya ng schedule dahil sa limited lang ang flights ng eroplano sa Tablas Island.
Sinusubukan rin umanong imbetahin ng Local Government Unit ng Odiongan si Senator Risa Hontiveros na maging bisita sa paparating na Kanidugan Festival 2017 ng bayan ng Odiongan.
{googleads right}