Nakiisa ang ilang bayan sa lalawigan ng Romblon sa first quarter National Simultaneous Earthquake Drill ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.
Sa bayan ng Odiongan, pinangunahan ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, at ilan pang opisina ang ginawang earthquake drill sa opisina ng Department of Public Works and Highways.
Nagsimula ang drill sa tunog ng isang megaphone na hudyat ng isang malakas na lindol.
Agad namang nag-duck, cover and hold ((yuko, tago at kapit) ang mga empleyado ng DPWH na nasa loob ng opisina ng mangyari kunyari ang malakas na lindol.
Dahan-dahan silang lumabas ng opisina at tumungo sa bakanteng lugar.
Ang emergency team naman agad na gumawa ng Incident Command Post (ICP) kung saan plinano ang gagawing rescue operation sa mga casualty.
Isa sa mga casualty ay nasugatan sa kamay, habang ang iba ay unconcious.
Agad silang nilapatan ng first aid at dinala sa itinayong post ng medical team.
Dinala din sila agad ng ambulansya nang matukoy kung anong mga fracture nila sa katawan.
Nilalayon ng earthquake drills na sanayin ang mga kababayan sa mga wastong pagkilos gaya ng “duck, cover and hold” para iwas-pinsala.
Naging Succesfull naman ang buong aktibidad ayon kay MDRRMC.