Naglagay ng kiosk ang pamunuan ng Philippine Information Agency (PIA) sa lobby ng munisipyo sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Sa unveiling ceremony na ginanap nitong March 13, sinabi ni PIA Director General Harold Clavite na mahalaga ang mga kioks ng Philippine Information Agency lalo pa ngayo’t kumakalat na ang mga pekeng balita sa social media.
Mga babasaheng may lamang iba’t ibang impormasyon patungkol sa mga programa ng iba’t ibang departamento ng gobyerno ang laman ng nasabing kiosk.
{googleads left}
“Kasama sa trabaho ng PIA ang pagpapakalat ng totoong balita. Ito dapat ang mga pinapakalat natin,” pahayag ni Director General Clavete.
Masaya naman silang sinalubong ni Vice Mayor Mark Anthony Reyes na nagbigay rin ng maikling mensahe sa programa.
Nasa Romblon ang mga kawani ng PIA MIMAROPA at ilang matataas na opisyal ng PIA para sa second leg ng MIMAROPA ASEAN Advocacy Series.