Sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry – Romblon Provincial Office at lokal na pamahalaan ng Odiongan, pormal ng pinasinayaan ang Negosyo Center na matatagpuan sa Provincial Tourism Office sa Barangay Liwayway, Odiongan, Romblon.
Ang layunin ng mga ganitong Negosyo Center ayon sa Department of Trade and Industry ay mailapit ang serbisyo ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong kagamitan at pamamaraan sa mamamayan upang mapabilis ang proseso sa pagnenegosyo at upang makatuwang sa pagpapalago pa nito.
Laking pasasalamat naman ng DTI sa lokal na pamahalaan ng Odiongan sa mainit na at mabilis na pagtanggap sa ganitong proyekto.
Pinagkaloob ng DTI sa Negosyo Center sa Odiongan ang aabot sa 7 comuter sets, at isang printer na magagamit ng mga gustong mag business sa lugar.
{googleads right}