Malayo sa dating hitsura at halos luma ng mga padyak na umiikot sa bayan ng Odiongan ang nasilayan kaninang umaga ng mga residente dito.
Nagsimula na kasing umikot matapos na i-launch ng Tablas Tourism Office sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of Romblon at ng Local Government ng Odiongan ang ‘Tri-dyak’.
Aabot sa 16 units na tri-dyak ang pinagkaloob sa mga padyak drivers sa bayan ng Odiongan kaninang umaga.
Ang mga nasabing ‘Tri-dyak’ ay may mala-pang turismong bihis na mapapasakay ka talaga kung ito’y iyong makita.
{googleads right}
Ayon sa Facebook Post ni Mayor Trina Firmalo-Fabic, ang mga nasabing ‘Tri-dyak’ ay para sa pangkabuhayan ng mga padyak drivers sa lalawigan.