Nakatanggap ng libreng rubber shoes ang aabot sa animnapung estudyante ng Libertad National High School at sa extension nito sa Tumingad sa bayan ng Odiongan kanina.
Pinangunahan ang distribution ng mga sapatos ni Mayor Trina Firmalo-Fabic, alkalde ng bayan ng Odiongan at ni Hon. Kitkit Firmalo, sanguniang bayan member ng parehong bayan.
Laking tuwa naaman ng mga estudyanteng nakatanggap ng sapatos dahil napili sila ng Local Government Unit ng Odiongan na mabigyan nito.
Nagpapasalamat rin ang mga estudyante sa mga nag sponsor sa sapatos lalo na sa Tykes Trading Inc. at kay Ms. Vida Chua.
Ayon kay Mayor Trina Firmalo-Fabic, panalangin niya umano na masundan pa ito at mga kalalakihan nanaman ng paaralan ang kanilang mabigyan ng libreng sapatos.