Kulay itim na damit ang suot ngayong araw ng mga health workers at volunters ng iba’t ibang health facilities sa lalawigan ng Romblon bilang pagpapakita ng pakiki-dalamhati at pagkondena sa pagpatay sa Doctors to the Barrios (DTTB) na si Dr. Dreyfuss “Toto” Perlas.
Si Dr. Perlas ay pinatay nitong Miyerkules ng gabi sa isang munisipyo sa Lanao del Norte.
Napagkasunduan umano na magsuot ng itim na damit ngayon ng mga miyembro ng Association of Municpal Healht Officers of the Philippines (AMHOP) Romblon Chapter.
Ayon sa AMHOP-Romblon, ang pagkamatay umano ni Dr. Perlas ay isang kabayanihan na kailangan ng bansang Pilipinas.