Arestado ang isang foreman na may kasong rape sa isinagawang operasyon ng awtoridad nitong gabi ng March 03 sa Barangay Batiano, Odiongan, Romblon.
Kinilala ang suspek na si Dionito Galario, 37 at residente ng Barangay Carmen, San Agustin, Romblon.
Nadakip si Galario ng pinagsamang pwersa ng Provincial Intellegence Branch sa pangunguna ni SPOT 2 Allan Fruelda, San Agustin Municipal Police Station, Highway Patrol Group, Provincial Public Safety Company, Odiongan Municipal Police Station at Calatrava Municipal Police Station.
Ayon sa report ng awtoridad, si Galario ay may warrant of arrest sa kasong rape na nilabas ni Judge Madrid ng Regional Trial Court Branch 81 dahil sa kasong rape.
Dinala na sa Romblon, Romblon ang suspek para iharap sa korte.