Nakatakda nang magsara ang kilalang D’Fourth Restobar na matatagpuan sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ayon kay Epifanio Briones, huling gabi na ng operation ng D’Fourth Restobar ngayong gabi matapos na hindi pagbigyan ng Munisipyo ng Odiongan na ma renew ang kanilang business permit.
{googleads left}
Penitesyon umano ng mga kapitbahay ng D’Fourth Restobar ang lugar dahil umano sa halos gabi-gabing gulo at sigawan ang naririnig nila kaya hirap sila makatulog. Ilan rin sa kanila ay nagrereklamo na iniihian ng mga lasing ang gilid ng kanilang mga bahay.
Dagdag ni Briones, magsasara lang umano ang Restobar ngunit ang Apartelle ay patuloy pa ring mag-operate.