Opisyal ng binuksan kaninang umaga sa bayan ng Odiongan sa Tablas Island, Romblon ang Agri-Trade and Tourism Fair para sa taong 2017.
Pinangunahan ang opening ceremony nina Governor Eduardo Firmalo, DTI Assistant Regional Director for MIMAROPA Rodolfo Mariposque, Department of Agriculture MIMAROPA’s Field Operation Division Chief Ronie Panoy, at Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Dinaluhan ito ng mga Sanguniang Bayan members ng Odiongan, ilang Municipal Agriculturist galing sa ilang bayan, at empleyado ng local government unit ng Odiongan.
Sa mensahe ni Governor Eduardo Firmalo, hinamon nito ang mga taga-Romblon na magtanim at paghandaan ang darating na MIMAROPA Festival 2017 na gaganapin sa bayan ng Odiongan sa darating na Nobyembre.
{googleads right}
Tampok sa Agri-Trade and Tourism Fair sa Odiongan ngayong taon ang iba’t ibang organic na gulay, prutas, at local delacies ng lalawigan ng Romblon kung saan mabibili sa murang halaga.