Niyanig ng magnitude 2.5 na lindol ang bayan ng Odiongan, Romblon pasado alas-8:30 ng gabi, kagabi, February 26.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natala ang sentro ng lindol sa layong 004 km N 48° E ng bayan ng Odiongan.
Tectonic ang sanhi ng nasabing lindol at may lalim ang sentro nitong 034km.
Naramdaman ang lindol sa mga bayan ng Odiongan at Calatrava ayon sa mga report na nakuha ng Romblon News Network, habang naramdaman ang Intensity II sa bayan ng San Andres ayon sa PHIVOLCS.
Wala namang naitalang pinsala ang nasabing pagyanig.