Isa nanamang oarfish ang nalambat ng isang mangingisda sa Sitio Cabugao, Barangay Bunga, Sta. Maria, Romblon.
Ayon kay Bea P. Marzonia na nagbahagi ng ulat sa Romblon News Network, ang mangingisdang si Juan Misterioso umano ang nakalambat sa isda nitong madaling araw ng Martes.
ADVERTISEMENT
May haba umanong 9-feet ang isda at halos sakupin na ang kalahati ng kalsada sa Barangay Bunga ng ilatag ito.
Dagdag pa ni Marzonia, inilibing nalang ng mga nakahuli ang isda at hindi nalang kinain dahil hindi nila alam kung ligtas ba itong kainin.