May forever para sa labin-dalawang (12) mansig-irog sa bayan ng Santa Maria, Romblon matapos na sabay-sabay silang ikinasal ngayong araw sa ginawang kasalang bayan na pinangunahan ni Mayor Artemio Madrid.
Ginanap ang kasalang bayan sa 3rd floor ng Municipal Hall ng Santa Maria kaninang umaga.
Aabot naman sa 46-katao ang tumayong principal sponsor para sa 12 pares na ikinasal.
ADVERTISEMENT
Taon taong nagsasagawa ng kasalang bayan ang bayan ng Santa Maria sa tuwing sasapit ang Valentine’s Day.