Kanselado ngayong araw ng Miyerkules ang biyahe ng mga pampasaherong bangka mula Concepcion, Sibale Island, Romblon patungong Pinamalayan, Oriental Mindoro dahil sa malalaking alon na nararanasan sa bayan at mga karatig na lugar.
Inaasahang babalik din sa normal ang biyahe bukas kapag gumanda nang tuluyan ang panahon na dulot pa rin ng papalabas ng Low-Pressure Area na dating bagyong #AuringPH.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, huling namataan nila ang LPA sa 255km west ng Dipolog City, Zamboanga Del Norte kaninang alas-10 ng umaga.