Halos ilang oras ring hindi nadaanan ang highway sa Sitio Parayan, Barangay Lonos, Romblon, Romblon matapos may maitalang landslide dito kaninang alas-8 ng umaga dahil parin sa halos araw araw na pag-uulan sa bayan simula pa nitong Lunes.
Agaran namang inaksyunan ito ng pamahalaang lokal ng bayan ng Romblon, Romblon.
Nagpadala sila ng backhoe na maglilinis sa mga nagkalat na lupa sa kalsada.
Pasado alas-9 na ng umaga muling nadaanan ang kalsada ng mga motoristang patungong town proper.
Ayon sa GMA Weather, patuloy na uulanin ang probinsya ng Romblon ngayong biyernes dahil sa Low-pressure Area na namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility.