Kabi-kabilang mga closed-circuit television ang ikinabit ng pamahalaang local ng Romblon sa buong proper area ng Romblon, Romblon.
Bahagi ito ng kanilang paghahanda sa nalalapit na selebrasyon ng Biniray Festival 2017 na magsisimula sa araw ng Biyernes, January 13 hanggang 23.
Maliban sa pagkabit ng mga CCTV, nagpakalat rin ang local na pamahalaan ng Romblon ng mga pulis galing sa Romblon Municipal Police Station sa mga kalsada at matataong lugar para magbantay ng sitwasyon rito.
Ilan sa matataong lugar na binabantayan ng pamahalaang local ay ang Romblon Night Market at ang parke na dinadayo tuwing gabi.
Inaasahan namang sa Huwebes ay magsisimula ng dumagsa ang mga magsisiuwian at dadayo sa bayan para sa selebrasyon ng Biniray Festival.