Isang babae ang pinag-babaril sa loob ng isang bar sa Binagong, Barangay Bagacay, Romblon, Romblon pasado alas-7 ngayong gabi.
Ayon sa inisyal na impormasyong nakuha ng Romblon News Network, nakakikipag inuman umano ang isang Josephine Serna, 51 yrs old, ng biglang pagbabarilin ng dalawang naka bunnet na lalaki.
Dead on arrival sa Romblon District Hospital si Serna matapos tamaan sa ulo at sa ibang bahagi ng katawan.
Agad namang nakatakas ang mga suspek na hindi rin nakilala ng mga nakasaksi sa pangyayari.
Ayon sa Romblon Police Provincial Office, patuloy ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station sa pangyayari.
Sumuko na umano si Serna sa Oplan Tokhang ng Philippine National Police noong nakaraang taon, kaya tinitingnan ng pulisya ang posibilidad na drug related ang kaso ng pamamaril.