Panauhing pandangal sa 1st Romblon Advisory Council Summit na ginanap sa bayan ng Romblon, Romblon si Chief Supt. Wilben Mayor, Police Regional Director for MIMAROPA Region.
Tema ng unang summit ay ang patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng pulisya at ng kuminidad para sa isang drug-free na probinsya.
Dinaluhan ang nasabing summit ng mga hepe at representatives galing sa iba’t ibang Municipal Police Station sa buong probinsya.
Dumalo rin sa nasabing pagtitipon sina Governor Eduardo Firmalo, Vice Governor Otik Riano at Mayor Mariano Mateo ng Romblon, Romblon.