Muling namigay nitong December 18, Sunday, ang Yellow Boat Foundation ng Hope Foundation sa bayan ng Santa Maria ng mga bagong bangka.
Sa pangalawang pagkakataon, namigay ang grupo ng 35-pirasong bangka sa mga mangingisda sa lugar na nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
Mismo ang Pres at Co-Founder/Chief of Hope Paddler ng Yellow Boat of Boat Foundation na si Doc. Anton Mari H. Lim ang personal na mag aaward ng naturang mga bangka sa mga mangingisda dito sa bayan ng Sta Maria.
Sa pamamagitan ni Christian Seraspi ng Banwa ko, Palangga ko isang NGO ay naging paraan ito upang makilala at mai-grant ng YBH Foundation ang pagbabahagi ng mga bangka sa mga mangingisda
Dumating rin sa pagtitipon si Ms Che Ingles na dati ring sumama sa pamimigay ng mga bangka.
Ikinatuwa naman ito ng mga nakatanggap ng bangka.