Sa bisa ng isang resolution na ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Santa Maria, Romblon; idineklarang special non-working holiday ang araw ng Huwebes, December 08, para sa pagdiriwang ng ika-33rd Founding Anniversary ng bayan.
Dahil dito walang pasok ang lahat ng pampublikong paaralan sa bayan gayun na rin ang trabaho sa government at private agencies.
Kaugnay sa ika-33rd Founding Anniversary ng bayan, magkakaroon rin ng civic parade na magsisimula sa Municipal Hall, Malag-Alag, Sta. Maria, Romblon paikot sa ganap na alas-2 ng hapon.
Inaashang dadalo sa pagdiriwang si Congressman Emmanuel Madrona, at ilan pang matataas na opisyal ng probinsya.