Pinasinayaan na kamakailan ang bagong evacuation center cum classroom na pinondohan ng KALAHI CIDSS sa Bgy. Agpanabat, Romblon sa pangunguna ng LGU officials at Department of Education (DepEd) – Romblon.
Ang bagong gusali na may dalawang silid-aralan ay nagkakahalaga ng P1.5 milyon na proyektong pang-imprastraktura ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng KALAHI-CIDSS o ang Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Program – Comprehensive Integrated Delivery of Social Services sa nasabing bayan.
Sinabi ni Mayor Mariano M. Mateo makatutulong ang mga silid-aralan na ito sa paghubog sa mga mag-aaral upang matuto ng leksiyon sa klase.
Tiniyak naman ng mga barangay officials at mga guro sa naturang lugar na matibay ang pagkakagawa ng bagong gusali dahil dinesenyo ito para gamiting evacuation center kapag may kalamidad.