Dead on the spot ang dating konsehal ng bayan ng Odiongan na si Dominador Bantang, 57-taong gulang, sa kanyang pamamahay sa Brgy. Liwanag, Odiongan, Romblon mag aalas-10 ngayong umaga.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Odiongan MPS, pinasok si Bantang sa loob ng kanyang bahay at sinasaksak at binaril.
Nagtamo ng dalawang tama sa ulo at isang tama ng baril sa balikat si Bantang na naging sanhi ng agaran niyang pagkamatay.
Na rekober sa crime scene ang dalawang slugs ng cal .38 na baril.
Hindi naman matanggap ng pamilya ni Bantang ang nangyari sa kanya dahil wala naman umano itong kaaway.
Ayon sa PNP, may person of interest na sila at iniimbetsigahan na sa ngayon.
Patuloy na iniimbestigahan ng PNP ang nasabing murder case.