Dagsa ang mga manonood sa iba’t ibang free public viewing sa lalawigan ng Romblon ngayong araw ng laban nina Senator Manny Pacquiao at Jessie Vargas.
Sa bayan ng Odiongan, nagkaroon ng public viewing ng laban ang Local Government Unit ng Odiongan sa Odiongan Public Plaza.
Nagkaroon rin ng hiwalay na free public viewing si Sanguniang Panlalawigan member Felix Ylagan at ang PBY Enterprise sa Virginia Centurione Bracelli School kung saan hindi ganun karami ang nanood kesa sa labanang Pacquiao-Mayweather noong nakaraang taon.
Napatayo pa ang mga manonood ng inanunsyo na ang pambansang kamao ang panalo sa laban.
Sa bayan naman ng Caltrava, nagkaroon rin ng public viewing sa Barangay Balogo kung saan nanood ang mga hindi kayang gumastos ng halos P1,000 para sa Pay-Per-View.