Binuksan na rin sa publiko nitong Sabado, November 05, ang inayos na San Agustin Municipal Ro-Ro Port at Municipal Port Road sa bayan ng San Agustin sa Tablas Island, Romblon.
Ang nasabing inauguration ceremony ay pinangunahan ng magkapatid na dating Congressman Eleandro Jesus Madrona, Congressman Emmanuel Madrona, at Mayor Denon Madrona ng San Agustin.
Naglagay rin ang LGU ng dedication marker sa nasabing pantalan kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga opisyal ng bayan ng San Agustin.
Ang nasabing pagsasaayos ng pantalan sa San Agustin ay pinunduhan ng Philippine Ports Authority sa pamamagitan ng PPA Corporate Funds.
Ayon sa dedication marker, ang San Agustin Municipal Ro-Ro Port ay para sa lahat ng Romblomanon at mga pasaherong dumadaan rito.
Dinaluhan ang inauguration ceremony ng ilang Sanguniang Panlalawigan members, ilang alkalde, bese alkalde kasama ang kanilang mga SB’s, at mga residente ng San Agustin.