Magdamag na nakaranas ang lugar ng San Fernando ng malakas na pag-uulan nitong Martes ng gabi na naging dahilan ng pag apaw ng mga ilog sa nasabing bayan.
Ang temporary na kalsada nga sa Brgy. España, San Fernando, Romblon sinira at tinangay ng malakas na alos ng ilog. Ang nasabing kalsada ang pansamantalang komokonekta sa bayan ng San Fernando at sa ilang bayan sa Sibuyan Island.
Inilagay ang nasabing kalsada dahil hindi pa natatapos na gawin ang itinatayong tulay sa nasabing barangay.
Problema ngayon ng mga dumadaan sa nasabing kalsada at layo na kanilang iikotin maabot lang ang bayan ng San Fernando.
Ayon naman sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, wala namang nasaktan ng panahong bumigay ang kalsada.
Patuloy rin umano ang kanilang pagbabantay sa maari pang pagtuloy tuloy ng pag-uulan sa lugar.