Niyanig ng magkasunod na lindol Romblon pasado alas-5 ngayong umaga.
Ang unang pagyanig ay may lakas na Magnitude 2.8 na may sentro sa 12.51°N, 122.03°E – 012 km N 45° W ng Santa Maria.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), naitala ang sentro ng ikalawang pagyanig bandang 5:33 sa 12.49°N, 122.04°E – 008 km N 50° W ng Santa Maria. May lakas itong Magnitude 3.8 at may lalim na 004 km.
Ang pangatlong pagyanig naman na naitala ng PHIVOLCS bandang 5:40 ng umaga ay may lakas na Magnitude 4.1.
Naitala rin ang sentro nito sa 12.49°N, 122.07°E – 006 km N 38° W ng Santa Maria.
Nakaramdam rin ng Intensity I ang Malay, Aklan at Intensity V naman sa bayan ng Santa Maria at San Agustin.
Ayon naman sa mga reporter ng Romblon News Network, naramdaman ang pag lindol sa halos buong Tablas Island at ilang karatig isla.