Kalaboso ang tatlong lalaki nitong October 14 sa bayan ng San Fernando tapos maiturong suspek ng mga menor-de-edad na di umanoy kanilang ginahasa.
Batay sa police report ng San Fernando Municipal Police Station, nangyari ang unag kaso ng pangagahasa sa Barangay Azagra, San Fernando, Romblon kung saan ang biktima ay 9-taong gulang na babae. Ang suspek, kinilalang si Samson Rocero, ama ng biktimang babae, 33-years old.
Ang ipangalawang aksidente ng panghahalay naman ay nangyari sa Sitio Cabitangahan, Barangay Taclobo sa parehong bayan. Hinalay umano ng mga suspek na sina Francisco Enero, a.k.a “Eko” at Reynald Aguire ang isang 13-years old na babae nitong October 13. Ang dalawang suspek ay pawang 27-taong gulang at residente ng Barangay Pili sa parehong bayan.
Nitong October 17, kinasuhan na ng rape ang tatlong suspek sa Provincial Prosecutor’s Office sa Barangay Capaclan, Romblon, Romblon. Nakakulong na rin ang tatlo sa Romblon Provincial Jail.