Stranded ang ilang motorista sa National Highway sa Sitio Maalag-alag, Barangay Concepcion Norte, Santa Maria, Romblon matapos na umapaw ang isang dike sa lugar at bumaha sa kalsada dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Ayon sa mga residente sa lugar, 4:30 palang umano ng madaling araw bumubuhos na ang malakas na ulan hanggang magliwanag.
Mag aalas-8 na umano nawala ang ulan ngunit medyo matagal parin umano ang pagbaba ng tubig.
Ilang empleyado ng munisipyo ang hindi na nakadiresto dahil sa pag-apaw sa daanan papasok ng Barangay Poblacion.