Sa kulungan ipinagdiwang ng mga guro ng Dona Martina Elementary School ng San Andres, Romblon ang Teacher’s Day kahapon.
Tumungo ang mga guro ng nasabing paaralan sa Odiongan District Jail sa Odiongan para mamigay ng mga pagkain sa mga inmates.
23 inamtes ang kanilang nabigyan ng pagkain katulad ng delata, noodles, at ilang mga sabon.
Ang mga nasabing inmates ay pawang mga residente ng San Andres, Romblon at nakulong sa mga kasong murder, pagtutulak at paggamit ng iligal na droga, at thief.
Ayon kay Mrs. Evelyn Mortel, isa sa mga guro, masayang laging tumulong sa kapwa kahit sa ano mang paraan mapalabas man ng paaralan o hindi.