“We ask everyone to stay calm and be in a state of readiness at all times.”
Yan ang pahayag ni Mayor Trina Firmalo-Fabic sa kanyang Facebook page matapos na tumama ang magkasunod na lindol sa lalawigan ng Romblon ngayong umaga.
Ang pinakamalakas na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ay bandang 5:40 na nagtala ng Magnitude 4.1
Naitala ang sentro nito sa bayan ng Santa Maria, Romblon na nakaramdam ng Intensity V habang Intensity IV naman ang Odiongan, at Intensity I naman ang naitala sa Malay, Aklan.