Aksidenteng bumagsak ang gangway ng barko ng Montenegro Shipping Lines Inc. na biyaheng Odiongan to Batangas bandang 5:30 ng hapon kanina habang nasa Poctoy Port.
Ayon sa natangap na report ng Romblon News Network, papaalis na ang nasabing barko at nasa itinataas na sana ang gangway ng bigla itong bumagsak.
Wala namang naiulat na nasaktan na pasahero.
ADVERTISEMENT
Mag-aalas 8 na ng gabi nakaalis ang barko patungong Batangas dahil sa isinagawang pagkukumpuni sa gangway.