Inihatid na kaninang umaga ang tatlong bagong generator sets para sa Diesel Power Plant ng National Power Corporation sa San Fernando, Sibuiyan Island.
Ang halos 1800-kw gensets na nasa San Fernando ngayon ay inaasahang makakadagdag sa kuryenteng pwedeng ibigay ng Diesel Power Plant at ng Hydro Power Plant sa buong isla ng Sibuyan.
Ayon sa Romblon Electric Cooperative o ROMELCO, kung sakaling ma commision ang tatlong generator set, magkakaroon ng over supply sa buong isla at asahang mababawasan na ang brownout na ang dahilan ay kakulangan ng supply ng kuryente.