Nahuli na sa isinagawang manhunt operation ng Santa Maria Municipal Police Station ang suspek sa pananaksak at pagpatay sa isang babae sa bayan ng Santa Maria kaninang madaling araw.
Kinumpirma ito ni Police Senior Inspector Ledilyn Ambunan, Chief of Police ng Santa Maria Municipal Police Station.
ADVERTISEMENT
Nakapiit na ngayon ang suspek na si Roger Galang sa Santa Maria Municipal Police Station.
Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek kung bakit niya sinaksak ang biktimang si Arlyn Briones.