Patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station ang suspek sa pamamaril sa Sitio Bagto, Barangay Guinhayaan, Looc, Romblon pasado alas-8 kagabi.
Delikado umano sa publiko ang suspek dahil armado siya ng baril na cal. 45 na ginamit niya sa pamamaril.
Ayon sa Looc Municipal Police Station, nagrekober na nila ang mga empty shells sa lugar kung saan nangyari ang krimen.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Calexto Morante.
Ligtas at nagpapagaling na ngayon sa Romblon Provincial Hospital ang biktima na si Neoli Mallorca matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan. Isa umano ay tumama sa dibdib, at isa naman ay sa kanang kamay.
Kwento ng ilang nakasaksi sa pangyayari kagabi, kumakain umano sila sa isang restaurant malapit sa pinangyarihan ng krimen ng may marinig silang apat na putok ng baril at paglabas nila ay nakita nilang madami ng tao sa crime scene.