Maaring mag deklara ng State of Emergency ang bayan ng Looc, Romblon bukas, September 13, dahil sa epekto ng pagkakasunog ng dry market sa lugar.
Ayon kay Vice Mayor June Gadaoni ng makapanayam ng mga press, maaring bukas magpasa ng resolution ang mga Sanguniang Bayan members kaugnay nito.
Nitong tanghali ng Lunes, September 12, tinupok ng apoy ang pamihilihang bayan ng Looc at tinatayang aabot sa 2 million pessos ang damage ng sunog.
Sa ngayon, patuloy paring iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection – Looc ang pinagmulan ng nasabing sunog.