No worries na sa travel sa Tablas Island, dahil available na ang bagong shuttle services ng isang kompanya na may biyaheng mula Odiongan patungong San Agustin at vice versa.
Ayon sa Romblon Provincial Tourism Office, nasa test run palang ang mga nasabing shuttle at magtatagal ito hanggang September 30.
Sa test run ng nasabing shuttle, aalis ito ng San Agustin ng alas-8 ng umaga at 2:30 ng hapon patungong Odiongan at aalis naman sa Odiongan ng 11:00AM at 5:00PM araw-araw.
Para sa mga gusto mag pa reserve pwede sila mag book, mag message lamang sa www.facebook.com/adverveislandtours