Walang malay at halos mawarak ang mukha ng isang lalaki sa bayan ng Alcantara, matapos itong maaksidente sa motorsiklo kahapon ng hapon.
Nakilala ang driver na si Jake Merano, residente ng Barangay Bonlao sa nasabing bayan.
Ayon sa mga nakuhang impormasyon ng Romblon News Network, pasado-alas 5 na umano ng hapon habang binabay-bay niya ang National Road sa Barangay San Roque, bigla umanong may inayos siya sa likod ng kanyang motor at pagtingin niya muli sa harapan ay kanal na pala ang nasaharap niya.
Nawalan ng kontrol si Merano dahil sa gulat at dumiretso ang sasakyan niya sa kanal.
Agad namang tinulungan ang driver ng mga residenteng nakasaksi sa insidente at tinawagan ang Alcantara Rural Health Unit para sa ambulansya.
Nagpapagaling na ngayon si Merano sa Romblon Provincial Hospital.