Patay ang isang construction worker matapos na sumalpok sa isang concrete barrier ang kanyang minamanehong motorsiklo sa national road, Barangay Tumingad, Odoingan, Romblon mag-aalas otso kagabi.
Kinilala ang nasawi na si Noel Evangelio, 30-taong gulang at residente ng Barangay Panique ng parehong bayan.
Sugatan naman ang backride ni Evangelio na kinilalang si Mamerto Bantang, 37-taong gulang, residente rin ng Barangay Panique at parehong construction worker.
Batay sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, nawalan umano ng control ang rider na si Evangelio kaya sumalpok sila sa concrete barrier pagdating ng Tumingad Bridge sa nasabing barangay.
Nagtamo ang dalawa ng sugat at unconscious na isinugod sa Romblon Provincial Hospital para gamutin ngunit dahil sa tinamong sugat ay pumanaw kaninang tanghali ang driver na si Evangelio.
Hindi pa alam ng pulisya kung nakainum ang dalawa.