Ipinaliwanag ng pamunuan ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. sa mga miyembro ng Iglesia Filipina Independiente sa bayan ng Odiongan ang Operation Tokhang na ipinatutupad ng Philippine National Police sa buong bansa.
Panauhing pandangal si Police Senior Inspector Fernandez sa isang bahagi ng Aglipay Cluster Family For Christ Fellowship Rally na ginanap sa Odiongan Covered Court ngayong araw.
Dinaluhan ito ng mahigit 500 miyembro ng Iglesia Filipina Independiente sa bayan ng Odiongan.
Payo ni Police Senior Inspector Fernandez, huwag matakot na magsumbong o magkontak sa pulisya kung sakaling may mga krimen, o may nakitang gumagamit ng droga sa kanilang lugar.