Nagsagawa ng information drive kahapon, September 13, ang pamunuan ng Philhealth sa bayan ng San Agustin na dinaluhan ng mga kasalukuyang miyembro ng Philhealth.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng kanilang kampanyang Philhealth ALAGA o ‘Benepisyong PHILHEALTH ALAmin at GAmitin para sa maayos na buhay’.
Sa maikling programang ginanap sa Covered Court ng bayan, nagkaroon ng open forum kung saan nagtanong ang mga miyembro ng Philhealth kaugnay sa kanilang mga claims at nasagot naman ito ng Philhealth staff sa pangunguna ni Social Chief insurance Officer Andrew Famero.
Kasama sa aktibidad ang mga staffs ng Rural Health Unit ng San Agustin sa pangunguna naman ni Municipal Health Officer Dr. Deo Muleta. Present rin sa aktibidad sina Mayor Denon Madrona at Vice Mayor Zaldy Marin na inaabangan na ang isasagawang mass philhealth registration sa kanilang munisipyo sa mga susunod na linggo.